Manila, Philippines- Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi kailangang manggaling sa sektor ng edukasyon ang susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).
Taliwas ito sa panawagan ng grupong Teacher’s Diginity Coalition(TDC) kasunod ng kaniyang pagbibitiw bilang education secretary.
Para sa TDC, bukod sa hindi na dapat political figure ang papalit bilang kalihim, kailangan na itong magmula sa larangan ng edukasyon upang maunawaan ang problemang kinahaharap ng sektor.
Sa kabila nito, mariing sinabi ng bise presidente na ang pagiging kalihim ng kagawaran ay patungkol sa aniya’y “trust” at “confidence”.
Giit pa niya wala umanong nakalagay na requirements para maging education secretary.
“The position of the Secretary is a position of trust and confidence, unang una. Pangalawa, walang nakalagay na requirements para sa isang education secretary,” pahayag ni Duterte.
READ: VP SARA’S RESIGNATION SPARKS VARIOUS REACTION FROM SOLONS
Sa katunayan nga raw, hindi rin lahat ng education secretaries sa South East Asia ay mula sa linya ng edukasyon.
“In fact dito sa Southeast Asia kung makikita ninyo, hindi lahat ng education secretaries are from the education sector,” dagdag pa niya.
Sa ngayon ay wala pa ring ideya si Duterte sa itatalaga ni Pangulo Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. bilang susunod na kalihim ng DepEd sa kaniyang pag-alis epektibo sa July 19.
READ: VP DUTERTE RESIGNS AS EDUCATION CHIEF, VICE CHAIRMAN OF NTF-ELCAC