Manila, Philippines — Inanunsyo ng Office of the Vice President ang tatayong bagong spokesperson ni Vice President Sara Duterte.
Nagdesisyon ang OVP na italaga si Atty. Paolo Panelo para maging opisyal na tagapagsalita ng tanggapan ng ikalawang pangulo at magsisilbing kinatawan ng bise presidente sa lahat ng media interviews.
Ayon sa OVP inaasahan nilang sa pamamagitan ni Panelo mas magiging accessible at malinaw ang impormasyon para sa mga Pilipino.
Pinalitan ni Atty. Panelo si Atty. Ruth Castelo sa posisyon.
Bago maging spokesperson, nagsilbi si Panelo bilang legal counsel si Duterte laban sa kaso niyang multiple perjury. — Krizza Lopez, Eurotv News