VP SARA, NANGAKONG DADALO SA SUSUNOD NA HOUSE HEARING

Manila, Philippines – Kasunod ng postponement ng naging house hearing nitong Biyernes, November 29, 2024, nangako si Vice President Sara Duterte na dadalo siya itinakdang sunod na pagdinig.

Ito ay kaugnay pa rin ng isinasagawang imbestigasyon ng House Committtee on Good Government and Public Accountability kaugnay ng umano’y maanumalyang paglustay sa confidential funds ng Office of the Vice Preseident (OVP) at Department of Education (DepEd) habang si Duterte pa ang kalihim nito.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Duterte ang kanyang pagdalo, upang personal na humarap sa komite at para na rin daw samahan ang mga opisyal ng OVP na dadalo sa susunod na House hearing.

Ayon kay Duterte, mas kampante, mas kalmado, at mas ligtas umano ang pakiramdam ng mga opisyal na ito kung kasama sya sa magiging pagdinig.

Matatadaan na ipinagpaliban ng House Panel ang pagdinig nitong Biyernes upang bigyan ng pagkakataon si Duterte na humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay naman ng mga binitiwang pahayag na similar sa pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kasalukuyan, wala pang itinakdang araw para sa susunod na pagdinig ng House Panel.

Share this