Manila, Philippines – Mariing nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang kumpirmasyon ang Chinese health officials o World Health Organization (WHO) ukol sa kumakalat online na umano ay isang “international health concern”.
Sa public advisory ng kagawaran, tinatanggi ng mga reliable sources ang mga posts sa social media at inihayag na hindi nila kasalukuyang sinusuportahan ang mga impormasyong ito.
Ito ay matapos umugong ang usapan tungkol sa umano ay bagong epidemya sa China na kinabibilangan ng influenza A, HMPV, mycoplasma pneumoniae, at COVID-19.
“Reliable sources of information currently do not support circulating social media posts about an alleged international health concern. There is no confirmation from the mentioned country or the World Health Organization,” saad ng DOH.
Patuloy naman ang DOH sa pag beripika ng mga impormasyon at pinaaalalahanan ang lahat na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
“Please do not share questionable websites or online sources. Let’s not spread misinformation and confusion.” paalala ng ahensya.