ZUBIRI, INALIS SA PUWESTO DAHIL KAY DELA ROSA

MANILA PHILIPPINES – Inamin ni Senator Migz Zubiri na natanggal sya bilang senate president kasunod ng kanyang pagtatanggol sa kapwa nito senador na si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ginawa ni Zubiri ang pag amin matapos mapag alamang isa si Dela Rosa sa 15 senador na lumagda sa isang resolusyon na sumusuporta sa bagong upong senate president na si Francis “Chiz” Escudero.

Ani, Zubiri ito ang dahilan kung bakit sya natulala matapos mapag alaman na isa si dela rosa sa labinlimang senador na bumuto para patalsikin sya bilang tagapangulo ng senado.

I thought I’ve seen strange things in my political career. And this happens to be the strangest,” sabi ni zubiri sa isang panayam sakanya.

Si Dela Rosa ang syang chairman ng Senate public order and dangerous drugs committee, na nagsagawa ng makailang beses na committee hearing sa umanoy PDEA leak documents na nag uugnay sa pangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungkol sa iligal na droga.

READ: PBBM VOWS FULL SUPPORT TO NEWLY INSTALLED SENATE PRESIDENT CHIZ ESCUDERO

At least alam niya na dinepensahan ko siya bilang isang chairman ng committee, at dahil diyan, nagkaroon ng sakripisyo. Ako po ay sakripisyo diyan. Nawala ako sa position,” dagdag pa ni zubiri.

Makikita rin ang tila pagiging emosyonal ni Bato noong lunes habang nasa kalagitnaan ng kanyang privilege speech ng dating senate president.

Being a good soldier, I wanted to tell him, ‘My commander, sorry, boss, I failed to win the war for you,’” Dela Rosa said in a press briefing.

Sa isang ambush interview kay zubiri sinabi nitong sinubukan raw syang kausapin ni dela rosa pagkatapos ng botohan sa pangulo ng senado.

Hindi ko pa talaga ma-process yung pangyayari. Give me time. Niyakap mo pa yung asawa ko. Wow, ba’t nyo pa niyakap ang asawa ko,” he lamented referring to his wife Audrey Tan Zubiri who comforted a crying dela Rosa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this