Inanusyo na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang sampung pelikulang kasama sa 2024 Official Entries na mapapanood sa December 25 ngayong taon kasabay ng kanilang 50th Anniversary na may temang “Sinesigla sa Singkwenta”.
Ayon sa MMFF, 70 mga pelikula ang kanilang sinala bago tuluyang mapili ang sampung opisyal na kalahok ngayong taon.
Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:
1. ‘And the breadwinner is…,’ drama-comedy starring Vice Ganda at ni Eugene Domingo.
2. Green Bones, na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.
3. Strange Frequencies: Haunted Hospital, ni Jane de Leon at Enrique Gil.
4. Himala: Isang Musikal, kabilang sina Aicelle Santos at Bituin Escalante.
5. The Kingdom ni Vic Sotto at Piolo Pascual.
6. My Future You ni Francine Diaz at Seth Fedelin.
7. Uninvited ni Aga Muhlach, Vilma Santos, Mylene Dizon, at Nadine Lustre.
8. Topak ni Richard Somes, featuring Julia Montes at Arjo Atayde.
9. Hold Me Close ni Julia Barreto at Carlo Aquino.
10. Espantaho ni Judy Ann Santos at Lorna Tolentino.
Samantala, ang taunang Parade of Stars ay magsisimula muli sa Disyembre 15, habang ang Gabi ng Parangal ay gaganapin sa Disyembre 27.