2 LPA, BAGYO SA LABAS NG PAR, PATULOY NA BINABANTAYAN NG PAGASA

‎Manila, Philippines — Patuloy na binabantayan ang dalawang low pressure area (LPA) at severe tropical storm Saudel sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Biyernes, Agosto 21, 2026.

‎Ayon sa PAGASA ngayong 2:00 PM, ang dating bagyong Neneng na ngayon ay isa na muling LPA ay may katam-tamang tsansang maging tropical depression muli sa loob ng susunod na 24 oras. 

‎Huli itong namataann 700 km Hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

‎Samantala, may isa pang LPA sa labas ng PAR na mayroon ding katam-tamang posibilidad na maging tropical depression sa parehong panahon. 

‎Namataan dakong 1,485 km Silangan ng Hilagang-silangan Mindanao.

‎Patuloy ding binabantayan ng ahensya ang severe tropical storm Saudel sa labas ng PAR na maaring makapasok ng Linggo o Lunes.

‎Huli itong namataan 2,635 km Silangan ng Timog-silangan Luzon.

‎Mayroon iton lakas ng hangin na 110 km/h at pagbugsong na 135km/h. Kumikilos naman ito papuntang Hilagang kanluran sa bilis na 10km/h.

‎Pinapayuhan ang publiko na manatiling updated sa mga susunod na weather bulletin ng PAGASA.—Rhea Elejan, Contributor

Share this