4 NA KATAO, SUGATAN SA PAGATAKE NG PATING SA TEXAS

Texas, USA — Sugatan ang hindi bababa sa apat na katao sa South Padre Island, sa Texas USA matapos ang pagaatake ng pating.

Sa bilang ng mga biktima, isa ang nagtamo ng malubhang sugat matapos makagat ng pating.

Ayon sa ulang ng Texas Park and Wildlife Department, apat na katao pa ang nabiktima ng pating.

Pansamanatala namang naantala ang selebrasyon ng mga residente sa nasabing Isla dahil sa pagatake ng mga pating.

Ayon sa Texas Police, base umano sa mga saksi, pinaniniwalaan nilang isang 6-feet long na pating ang umatake sa mga tao.

Huling naitala ang pagatake ng mga pating sa nasabing isla, limang taon na ang nakalilipas.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this