71 STREET LIGHTING MAINTENANCE WORKS, ISINAGAWA SA MALABON

Malabon City, Philippines — Nagsagawa ang Malabon City Engineering Department ng 71 street lighting maintenance works sa iba’t-ibang barangay sa Malabon City.

Kabilang dito ang Brgy. Dampalit, Maysilo, Tinajeros, Tañong, at Tugatog.

Ito ay bilang pagbibigay tugon sa ulat ng mga residente sa pamamagitan ng ‘Let’s Connect TXT MJS’.

Naisaayos at napalitan ang 50 na 200W Streetlights, 19-span aluminum wiring ang nakumpuni, at dalawang breakers naman ang napalitan. 

Patuloy na nagsasagawa ng aksyon ang Malabon City Engineering Department sa pamumuno ni Officer-in-Charge Engr. Leandro Serrano III kasama Ann Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval upang maibalik ang maayos na kondisyon ng mga pampublikong ilaw para sa bawat Malabueño.—Margarita Ytang, Contributor

Share this