8 PINOY SEAFARERS MULA SA LUMUBOG NA M/V ETERNITY C, NAKAUWI NA — DMW

Manila, Philippines – Sinalubong ng whole-of-government team ang 8 Fil-seafarers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na nakauwi na kagabi mula sa Kingdom of Saudi Arabia.

Lumapag sa NAIA Terminal 1, sakay ng flight SV780 ang 8 marino, at pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagtanggap sa kanila.

“Prior to their safe return, the seafarers were provided with immediate assistance and support from the coordinated efforts of the MWO-OWWA Team and Philippine Consulate General in Jeddah, Saudi Arabia.”
saad ng DMW.

Ayon pa sa DMW, bago pa man lumipad pa-Pilipinas ang mga tripulante ay binigyan na sila ng nararapat na tulong ng Migrant Workers Office – Overseas Workers Welfare Administration (MWO-OWWA) Team at Philippine Consulate General sa Jeddah.

Mabibigyan ang bawat isa sa kanila ng tulong pinansiyal mula sa DMW, OWWA, at Department of Social Welfare and Development (DSWD), medical check-up at psychosocial counseling mula sa Department of Health (DOH), reintegration support mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Matatandaang naipit ang grupo ng 21 Fil-seafarers sa gitna ng Red Sea nang akyatin ng mga Houthi rebels ang kanilang sinasakyang barko noong Hulyo 7 at Hulyo 8.

Patuloy naman ang paghahanap sa 13 pang tripolante mula rin sa nasabing barko. –Isa Estrellado, Contributor

Share this