BLACKPINK, NAGLABAS NG TRAILER PARA SA ‘DEADLINE’ WORLD TOUR

Inilabas na ang video trailer ng K-pop girl group na BLACKPINK para sa kanilang upcoming world tour na ‘DEADLINE,’ June 26, 2025.

Makikita sa trailer ang apat na miyembro na sina Rosé, Lisa, Jennie, at Jisoo na isa-isang pinapakilala sa isang mala-tropical vibe na setting.

Makikita rin sa bidyo na sumakay sila sa pink car na may ‘BLINK’ sa plate number, na talaga naman on-brand sa kanilang mga imahe. Ngunit, ito ay nasira.

At bilang pagtatapos ng trailer, sila ay nakiki-hitchhike.

Hindi mapagsidlan naman ang tuwa ng mga Blinks nang biglaan pinost ang nasabing trailer sa social media.

“They look so different now? 😭 their solo careers really gave them individual glow-ups and now the group feels like a power collab of big artists its insane.” – @RosiePark-w8i

“I’m crying. Seeing them together after all this time, it feels unreal…” – @FuyuhiNekozawa

Samantala, naunang nang isinapubliko ng YG Entertainment na maglalabas ng bagong kanta ang BLACKPINK para sa kanilang first leg ng concert sa Goyang, South Korea sa July 5-6.

Samantala, kasama rin ang Pilipinas sa “Deadline” World Tour concert sa Nov. 22-23 na gaganapin sa Philippine Arena.

Photo Courtesy: Soompi

Handa na ba kayo, mga BLINKS?

Share this