Manila, Philippines – Nakalaya na si Alvin Karingal, 33 y.o. na binansagan bilang “Fishball Warrior” noong Trillion Peso March, matapos siyang hulihin ng Manila Police District (MPD), sa gitna ng malawakang kilos-protesta kontra korapsyon sa Maynila noong September 21, 2025.
Ibinahagi ito sa isang social media post ng kanyang abogado na si Atty. Maria Sol Taule.
Matatandaan na isa si Karingal sa mga dinampot ng mga pulis at ipinadala sa MPD Station 10 sa Pandacan, nauna na siyang mag-viral dahil sa panawagan niyang ibaba ang presyo ng mga naturang bilihin.
Noong September 22, dulog ang ina ni alvin na si Meanne Karingal kay Atty. Maria Sol Taule, sa labas ng MPD, aniya PWD at may sakit ito sa pag-iisip o mental health condition, pinakita rin nito ang PWD ID ni Alvin.
Samantala, nagkasa ng magkakaibang kilos-protesta ang libu-libong ralehista kabilang na ang mga sikat na personalities sa magkakaibang lugar sa bansa noong September, 21, upang ipanagawan ang pagpapatigil ng lumalaking korapsyon sa bansa.—Grachella Corazon, Eurotv News