PAGTATAYO NG US ARMY BASE SA POLAND, MAY ‘MAJOR PROGRESS’ — TRUMP

Washington, U.S. — Daan-daang military bases at facilities mula United States ang nakakalat sa labas ng sarili nitong teritoryo.

Batay sa nga sa pagtatantya noong 2021 ng isang American political anthropologist, nasa humigit-kumulang 750 military bases mayroon ang U.S. sa hindi bababa sa walumpung bansa, ayon sa news network na Al Jazeera.

At maaari pa ngang madagdagan ang network na ito.

Ipinabatid kasi ni U.S. President Donald Trump na may progreso sa pagtatayo ng isang bagong U.S. Army base sa Poland.
Sa isang post sa Truth Social, sinabi ni Trump na mayroon ng nagaganap na ‘major progress’ sa pagtatayo ng US base.

Pinasalamatan pa nga niya si Polish President Karol Nawrocki sa suporta nito. Wala namang binanggit ang US President sa progreso ng usapin.

Samantala, aniya pa nakatakdang i-anunsyo sa lalong madaling panahon ang lokasyon kung matutuloy nga ang plano.

Sa kanyang X account, tiniyak naman ni Polish President Nawrocki na handa ang Poland na palakasin ang defense cooperation nito sa United States.

Siniguro din niya na naglalaan ang bansa ng angkop na lokasyon para sa pagpapatayo ng US base.

Sa kasalukuyan, nasa 10,000 U.S. troops ang nakatalaga sa Poland, karamihan ay rotational deployment.

Anim na bansa lamang sa Europa ang may permanenteng U.S. military bases, kabilang ang Germany, Italy, United Kingdom, Spain, Turkey, at Belgium.

Share this