DALAWANG AKUSADO SA ‘BARAYUGA MURDER CASE’, SUMUKO NA

Manila, Philippines – Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibidwal na itinuturong sangkot sa naging pagpaslang kay dating PCSO board member Atty. Wesley Barayuga noong 2020.

Sa isang press release, kinumpirma ng NBI ang pagsuko ng dalawa, bunsod na rin ng arrest warrant na inilabas kamakailan ng Mandaluyong Regional Trial Court laban sa mga ito, at tatlo pang indibidwal.

Kinilala ang mga sumuko bilang sina

DALAWANG AKUSADO SA ‘BARAYUGA MURDER CASE’, SUMUKO NA

Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibidwal na itinuturong sangkot sa naging pagpaslang kay dating PCSO board member Atty. Wesley Barayuga noong 2020.

Sa isang press release, kinumpirma ng NBI ang pagsuko ng dalawa, bunsod na rin ng arrest warrant na inilabas kamakailan ng Mandaluyong Regional Trial Court laban sa mga ito, at tatlo pang indibidwal.

Kinilala ang mga sumuko bilang sina Police Lieutenant Colonel Santie F. Mendoza at dating police officer Nelson Mariano na sumuko noong ika-29 at ika-30 ng Setyembre.

Ang dalawa ring ito ang humarap sa House Quad Committee noong 2024, at umaming sangkot sa pagpaslang kay Barayuga.

Sa parehong pagdinig pinangalanan ang iba pang mga pinaghihinalaang sangkot kabilang na sina Royima Garma, Edilberto Leonardo, at Jeremy Causapin.

Nahaharap ang limang indibidwal sa kasong murder at frustrated murder kaugnay ng Barayuga killing case.—Mia Layaguin, Eurotv News

na sumuko noong ika-29 at ika-30 ng Setyembre.

Share this