EAGLE’S 1 MARKETING CORP., MAGHAHATID TULONG SA MGA APEKTADO NG LINDOL SA CEBU

Manila, Philippines — Sa gitna ng pinsalang iniwan ng nakaraang 6.9 lindol na humagupit sa Cebu nitong Martes (September 30, 2025), muling papatunayan ng Eagle’s 1 Marketing Corporation ang kanilang pagmamalasakit.

Nakatakda kasing magsagawa ng agarang hatid tulong ang nasabing korporasyon sa mga apektado ng trahedya sa Cebu. 

Pangungunahan ito mismo ng kanilang CEO na si President Jessie Relox Royo na hindi na rin bago sa mga gawing humanitaryan.

Ang Eagle’s 1 Marketing Corp. ay isang dynamic multi-level marketing company na nakatuon sa “health, wellness, and empowering individuals” para sa mas magandang kinabukasan ng mga konsyumer ng kanilang mga produkto.

Ngunit ang kanilang kawanggawa ay hindi lamang nalilimitihan sa negosyo, bitbit din ng Eagle’s1 Marketing ang prinsipyo ng pagkakapit-bisig.

Sa ilalim ng kanilang inisyatiba, nakaugat sa Eagle’s 1 Marketing Corp. ang layuning ipakita na ang tulong ay dapat maihatid ng buong puso.

Kasabay nito, patuloy na nanawagan ang Eagle’s1 Marketing sa iba’t ibang sektor mula sa mga kumpanya, civic groups, hanggang sa maliliit na komunidad na makiisa rin sa misyon na maghatid ng tulong at pag-asa sa Cebu.

Share this