NCRPO, NAGPASALAMAT SA MAAYOS NA PEACE RALLY NG INC 

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pasasalamat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Iglesia Ni Cristo (INC) matapos maging maayos at mapayapa ang unang araw ng kanilang three-day peace rally na isinagawa nitong Linggo, November 16.

Ayon sa NCRPO, naging susi sa maayos na daloy ng aktibidad ang pagkakaisa at disiplina ng mga dumalo.

Nagpapatuloy ang pagmomonitor ng kapulisan upang matiyak ang seguridad at kaayusan para sa natitirang mga araw ng peace rally.

Share this