DILG, INATASAN NA ANG MGA LGU NA MAGING ALERTO SA PAGTAMA NI BAGYONG ADA

Manila, Philippines – Habang nagpapatuloy ang pagkilos ng Tropical Depression Ada sa Northeastern Mindanao at Eastern Visayas na inaasahang magtatagal hanggang sa susunod na linggo kung pumasok ito sa Philipine Area of Responsibility (PAR).

Pinaghahanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa posibleng paghagupit nito.

Sa inilabas na anunsyo ng DILG, pinatutukoy na nito ang mga high risk areas sakanilang mga lugar na nasasakupan.

Inatasan din ang mga LGU na magpatupad na ng preparedness at monitoring measures.

Ang mga komunidad na flood at landslide-prone areas, mabuti raw na magpatupad na ng preemptive at mandatory evacuation.

Dapat rin daw na nakahanda ang kani-kanilang Emergency Operations Centers (EOCs) and Incident Management Teams (IMTs) na saklaw ang mga evacuation centers, medical facilities at iba pang kakailanganin ng mga residenteng maaapektuhan ni TD Ada.

Binigyang diin ng DILG na ang maagap na paghahada at koordinasyon sa mga kalamidad ay upang maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente.

Sa ngayon, hinikayat din ng ahensya ang barangay level na ihanda ang kanilang komunidad at gawing aktibo ang Listo si Kap at ang mga City o Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices.

Share this