Manila, Philippines – Sa halagang mahigit sa 29 million, nabili ng Igorot Stone Kingdom Inc. sa Baguio City ang mamamahaling sasakyan ng pamilya Discaya na Rolls-Royce 2013.
Ngayong araw nangyari ang ikatlong bidding ng Bureau of Customs sa mga luxury vehicles ng mga Discaya na pinaniniwalaang bunga ng umano’y korapsyon sa pangongontrata sa Department of Public Works and Highways.
Ang Rolls-Royce Cullinan (2013) ang isa sa walong sasakyan na kinumpiska ng BOC.
Habang nabenta ang sasakyan sa Igorot Stone Kingdom INC. ang sasakyan sa halagang P29,025,132.58.
Ayon sa CEO ng Igorot Stone Kingdom na si Pio Velaso na nais ng tribo na panatilihin ng kasaysayan bilang patuloy na pagkundena sa sistematikong korapsyon sa Pilipinas.
Dagdag ni Velaso, maaaring buksan para sa public viewing ang sasakyan.—Krizza Lopez, Eurotv News