BAN TOXIC, PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA MGA VALENTINE’S GIFT NA MAY HALONG KEMIKAL

Manila, Philippines – Karaniwan na nakikita at mabibili sa merkado ang mga makukulay na plastik roses na may mga button cell batteries, mini plastic flower bouquets na may mga ilaw, mga bagay na hugis puso, at mga regalo na ipinares sa mga chocolates at ceramic mugs, na nagkakahalaga ng P50 hanggang P300 ang bawat isa.

Ang mga Valentine’s Day gift items na ito ay maaaring naglalaman ng mga nakakalason na kemikal tulad ng antimony, arsenic, at chromium.

Sa isinagawang market research ng grupo, bumili at nagsuri ang mga ito ng sample ng Valentine’s gift products na binebenta sa ilang kalsada sa Makati, Maynila, Caloocan, at Quezon City.

Ilan sa kanilang nasuring produkto ay may lead content na umabot hanggang 2,410 parts per million (ppm), na mas mataas sa kaysa sa 90 ppm limit na itinakda sa ilalim ng Chemical Control Order ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa lead at lead compounds, karamihan sa mga sample ay may limitadong impormasyon ng produkto.

Ayon kay Advocacy and Campaign Officer of BAN Toxics Thony Dizon, ang Valentine’s Day product ay dapat na  masuri para sa mga mapanganib na kemikal upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng publiko lalo na ang mga kabataan habang ginugunita ang araw ng mga puso. 

Batay naman sa World Health Organization, ang lead ay isang kilalang nakakalason na kemikal na may malawak na epekto sa neurological, cardiovascular, gastrointestinal, at hematological na maaaring makapinsala sa developing brain, potentially reducing intellectual ability.

Samantala, maaari niyo naman daw gunitain ang araw ng mga puso ng toxics-free at waste-free sa pamamagitan ng eco-friendly na pamamaraan tulad ng  simple at natural na mga regalo, Plan an eco-friendly romantic date, Give experiences instead of things, Write a heartfelt letter or poem at marami pang iba.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this