PBBM PINANGUNAHAN ANG INAGURASYON NG MAHAYAG DAM SA ZAMBOANGA DEL SUR; MAHIGIT 3,000 MAGSASAKA MAKIKINABANG SA PATUBIG

Manila, Philippines – Binuksan na muli ang Mahayag Dam sa Barangay Lower Salug Daku, Zamboanga Del Sur na mapapakinabangan na ngayon ng mahigit 3,000 magsasaka, mula sa mga Munisipalidad ng Mahayag, Molave, Ramon Magsaysay at Sominot.

Habang kaya nitong patubigan ang nasa 5,044 na mga sakahan.

Sa inagurasyon ng Dam na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang National Irrigation Administration (NIA) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ng Pangulo na magsisilbing major diversion structure ng Salug River Irrigation system na malaki ang maitutulong sa mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura sa rehiyon. 

Matatandaan na orihinal na naitayo ang Mahayag Dam noong 1967 ngunit nasira ito na nagresulta ng partially collapsed dahil nagdaang mga bagyo noong 2022 at 2023 kaya naman kinailangang dumaan sa konstruksyon.

Magiging malaking parte naman ng Salug River Irrigation System (RIS) ang Mahayag Dam lalo’t nasa higit 8,102 na mga sakahan sa buong Zamboanga Peninsula ang pinatutubigan ng RIS na pinakamaling source ng tubig sa rehiyon.

Samantala, ang pondong ginamit sa Mahayag Dam ay nagkakahalaga ng P450M na mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).

Bukod naman sa pagpapasinaya ng DAM, nagbigay rin ang pamahalaan ng 20 Solar-Powered Pump Irrigation project (SPIP) sa rehiyon na layong mapataas ang produksyon ng mga agricultural product sa mga liblib at mga lugar na madalas tamaan ng tagtuyot na wala ring maayos na supply ng kuryente.

Share this