PANUNUHOL, IRREGULARIDAD SA PAGGAMIT NG PONDO, ITINUTURING NA PANGUNAHING URI NG KORAPSYON SA PILIPINAS — OCTA

Manila, Philippines – Maraming Pilipino ang naniniwala na bribery o panunuhol ang nangungunang uri ng korapsyon sa Pilipinas, batay sa bagong pag-aaral ng Octa Research. 

Sa 1,200 na mga Pilipino kasama sa pag-aaral, 73% dito ang nagsabing bribery ang pinaka talamak sa korapsyon. 

Sumunod ang irregularidad sa paggamit ng pampublikong pondo na may 66%. 

Ikatlo, ang pagbili o pagbebenta ng boto na may 62%. 

Lumabas din sa survey ng Octa Research ang mabagal na pag-usad ng hustisya bansa na may 54%, irregularidad sa mga procurement sa loob ng gobyerno, at nepotism sa mga politiko na 14%. 

Batay sa paliwanag ng Octa, lumalabas na hindi lamang na-o-obserbahan ang korapsyon sa loob ng isang komunidad o sektor, kundi nararanasan sa pang-araw-araw na operasyon ng gobyerno. 

“The consistency of reported corruption types across regions and demographic groups suggests that corruption is not confined to specific sectors or locations, but is widely experienced or observed in everyday governance and public service interactions.”

Katulad ng bribery na posibleng nangyayari sa araw-araw na transaksyon sa gobyerno.

Maaaring direktang nararanasan ng mga empleyado ng gobyerno o batay sa obserbasyon. 

Sa National Capital Region at Balance Luzon naitala ang pinakamataas na porsyento ng panunuhol na may 78% at 75%.

Sumunod sa Visayas na may 73% at 69% sa Mindanao.

Pinakamataas naman sa Visayas at Mindanao ang Vote buying na may 68% at 67%. 

Binibigyang diin ng pag-aaral ng OCTA research ang pagpapaigting pa ng Anti-Corruption efforts ng gobyerno sa loob ng mga ahensya at tanggapan. 

Share this