TONGOL: HINDI PA TIYAK KUNG SASALANG SI VP SARA BILANG WITNESS NG DEPENSA SA IMPEACHMENT

Manila, Philippines — Hindi pa raw matiyak ng senate Impeachment court kung isasalang si Vice President Sara Duterte sa witness stand, ayon kay Spokesperson Atty. Reginald Tongol. 

Sa isang interview, iginiit ng tagapagsalita ng senate impeachment court na hindi pa nag-aabiso ang defense team sa desisyon nilang isalang ang mismong respondent ng impeachment trial. 

Ngunit kung sakaling imbitahan si Vice president Duterte ng kanyang defense team, hindi na raw kailangan na isyuhan ng subpoena ang bise sa pagreresume ng paglilitis sa November 9.

Binigyang-diin niya ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng paghaharap ng mga saksi para sa panig ng prosekusyon at ang pagtawag sa kabilang panig—na sa usaping ito ay ang tumutukoy sa mismong akusadong si Bise Presidente Duterte upang magtestigo sa pagdinig

Ani Tongo, para sa panig ng prosecution, kakailanganing ipasubpoena si Duterte dahil hindi naman daw boluntaryo ang pagharap ng bise.

Hanggang ngayon daw hindi pa inaabisuhan ni Defense team lead counsel Atty. Michael Poa ang korte kung balak nitong iharap ang bise sa presentation of witness ng defense.

Subalit, required pa rin daw ang defense team na hilingin sa korte na ipasubpoena ang iba pang testigo kagaya ng mga government official, nang sa gayon ay matiyak ang pagharap nito sa Nobyembre.

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa susunod na buwan, tanging Article II o ang unexplained wealth ng bise at ng kanyang asawa na si Atty. Manases Carpio ang magiging sentro ng trial.

Matatandaan na iniurong ng prosekusyon ang dalawang articles of impeachment matapos ang kanilang presentation of witness sa tatlong kaso. 

Ito’y para tutukan ang article II o ang alegasyon kaugnay sa unexplained wealth at hindi nagtutugmang deklarasyon ng ari-arian at yaman sa statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) ng bise at ng kanyang pamilya.

Share this