The Hague, Netherlands – Ngayong Lunes, February 23, 2026, ang simula ng confirmation hearing ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court sa kasong crime against humanity.
Dahil dito, bumyahe ang ilang pamilya ng biktima ng war on drugs sa ilalim ng administrasyong Duterte para saksihan ang hearing laban kay Duterte.
Kasabay nito, nagsagawa ng isang linggong protesta ang pamilya ng mga biktima sa The Hague, Netherlands.
Mariing itinanggi ng mga pamilya biktima at abogado ang alegasyon na mula sa buwis ng bayan ang ginamit na pamasahe para makarating sila sa The Hague, Netherlands.
Si Sheera Escudero, biktima ang kapatid ng War on Drugs, iginiit na mula sa mga non-government organization at church organization na naniniwala sa kanilang adbokasiya ang nagbigay ng kanilang pondo patungo sa The Hague.
Pahayag ni Escudero, ilang taon na silang nakakatanggap ng death threats, hate messages, at panghuhusga dahil sa kanilang pagkundena laban kay FPRRD.
Ayon kay Lorie Pasco, biktima ang asawa ng EJK, ilang taon ang kanilang inintay para makamit ang hustisya.
Aniya, matagal ang kanilang naging paghahanda para sa araw ng confirmation of hearing ni Duterte.
Sa mga susunod na araw hanggang February 28, 2026, ilang mga aktibidad ang gagawin ng pamilya ng mga biktima habang nangyayari ang confirmation of charges ni Duterte.
Halos mag-iisang taon na nang isuko ng mga otoridad ng Pilipinas si Duterte sa International Criminal court matapos akusan ang dating opisyal ng crimes against humanity dahil sa malawakang pagpapatupad nito ng tokhang.—Krizza Lopez, Eurotv News