Manila, Philippines – Isang kalokohan aniya ang mga tinuran ng lead counsel ni former president Rodrigo Duterte na sa Atty. Nicholas Kaufman kaugnay kay President Ferdinand Marcos Jr.
Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang mga pahayag ni Kauffman na binabalewala ni Pangulong Marcos ang iniwang legasiya ni Duterte.
Iginiit ito ni Kauffman sa unang araw ng confirmation of charges laban sa dating pangulo sa International Criminal Court.
Aniya Kauffman, bigo si Marcos na tuparin ang kanyang pangako na hindi aasistehan o magbibigay ng tulong sa International Criminal Court (ICC) para mapanagot si Duterte sa korte.
Reaksyon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, tila nakalimutan aniya ng naturang abogado na 2017 pa ng inihain sa ICC ang reklamong crimes against humanity laban sa dating pangulo, panahon na pribadong mamamayan pa ang kasalukuyang pangulo.
“He seems to be the one suffering from severe cognitive impairment, and not his client, because he tremendously forgets the timeline, since the crimes against humanity cases were filed before the International Criminal Court in 2017, when President Marcos Jr. was still a private citizen.”
Dagdag pa ni Castro, sinabi rin ng isa sa mga abogado ni Duterte na si Atty. Silvestre Bello III na noon pa ay inamin niya na mayroon umano siyang pinatay na tao.
“In addition, one of the counsels, Silvestre Bello III, admitted that Duterte killed someone by throwing him out of a helicopter. He should learn the facts of his case rather than focus on political rhetoric.”
Inaakusahan ng ICC si dating pangulong Duterte ng Crimes Against Humanity dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay ng 73 katao mula 2013 hanggang 2018.
Sa opening statement ni Kauffman, hiniling niya sa korte na ibalik na si Duterte sa Pilipinas.—Krizza Lopez, Eurotv News