LIBRENG TAWAG PARA SA MGA APEKTADO NG SIGALOT SA MIDDLE EAST, HANDOG NG PLDT , SMART 

Manila, Philippines – Para sa mga Overseas Filipino worker (OFW) o kababayan natin na nasa Iran, Iraq, Israel, Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, United Arab Emirates, at Saudi Arabia, maaari na kayong makatawag ng libre gamit lamang ang PLDT at Smart. 

Ito ay matapos i-anunsyo ng Chairman at CEO ng PLDT at Smart Communications, na si Manny V. Pangilinan na magbibigay aniya ito ng libreng tawag para sa mga Pilipino apektado ng sigalot sa Middle East. 

Ayon kay Manny Pangilinan, valid hanggang sa March 7, 2026 ang libreng tawag gamit ang mga application at subscribers ng PLDT at Smart. 

Tatagal ng hanggang 30 minutes at walang limitasyon ang bawat tawag sa isang buong araw. 

Sa pamamagitan nito mas mapapadali ang pakikipag-ugnayan ng OFW sa mga pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay mula sa pilipinas.

Samantala,maaaring tumawag gamit ang PLDT, Smart at iba pang networks Smart  at PLDT gamit ang mga numerong ito: 

Bahrain: +973  

Kuwait: +965  

Iraq: +964  

Oman: +968  

Qatar: +974 

Saudi Arabia: +966  

United Arab Emirates (UAE): +971

Israel: +972  

Iran: +98 

Kasabay nito pinapaalalahanan naman ng Department of Migrant Workers (DMW) na maaari makipag-ugnayan sa mga sumusunod na hotline at online platforms ang mga OFW na apektado ng giriian sa Middle East para sa agarang request for assistance at repatriation kung kinakailangan. 

DMW-OWWA Hotline:

• Metro Manila – 1348

• Regional (Mobile Phone) – (02) 1348

• International – (+632) 1348

DMW WhatsApp / Viber (Call or Text):

• +63 908-326-8344

• +63 927-147-8186

• +63 920-517-1059 

OWWA WhatsApp / Viber (Call or Text):

• +63 915-079-5005

• +63 969-169-7068

• +63 966-473-9543

DMW Public Assistance Desk Direct Lines:

• +632 8722-1144

• +632 8722-1155 

Email:

• feedback@dmw.gov.ph

• connect@dmw.gov.ph 

Mahigpit ding pinapaalalahanan ng DMW ang lahat ng OFWs na manatiling nakatutok, mag-ingat, at sumunod sa mga opisyal na abiso at direktiba ng Philippine Embassy sa kani-kanilang host country. 

Patuloy rin umano na nakaantabay ang DMW upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat OFW sa buong bansa.—Grachella Corazon, Eurotv News 

Share this