Muling magbabalik sa pageant stage si Misss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados bilang isa sa mga kandidata ng bansa sa darating na Miss Grand International (MGI) All Star.
Kinumpirma ito ng MGI organization matapos ang ipakita ang official confirmation portrait headshot nito.
Makakasama ni Ganados na delegado rin ng Pilipinas sina Fuschia Anne Ravena, Alexia Nuñez, at Keylyn Trajano.
Matatandaan na inirepresenta na ni Gazini ang bansa sa Miss Universe noong 2019, bagama’t bigong masungkit ang korona, pumasok naman ito sa Top 20 nagbigay pa rin ito ng karangalan sa mga Pilipino.
Matapos ang kaniyang journey sa MU, pansamantala munang niyang pinasok ang pag-arte at napasama sa iba’t ibang mga palabas sa telebisyon habang aktibo pa rin ito sa kaniyang pagiging runaway model.
Samantala magsisimula naman Ang MGİ All star sa May 18 at grand coronation naman sa May 30 na magaganap sa Bangkok, Thailand.