PNP, HANDANG MAGDEPLOY NG HUMIGIT-KUMULANG 180K NA TAUHAN SA NATIONWIDE TRANSPORT STRIKE

Manila, Philippines – Kasabay ng inorganisang nationwide transport strike ilang progresibong mula sa iba’t ibang sektor para bukas, handa na rin ang Philippine National Police na magdeploy ng tauhan. 

Ayon kay PNP spokesperson PGEN. Randulf Tuaño, humigit-kumulang 180k na kapulisan ang kanilang ipapakalat bukas sa mga kalsada para tiyakin ang kaligtasan at kapayaan bukas sa kilos protesta. 

Bukod pa sa seguridad, mag-aalok din ang PNP ng libreng sakay para sa mga maapektuhang komyuter at bilang pag-alalay na rin sa mga lokal sa pamahalaan. 

Ang malakawang welga ng grupo ng transportasyon at iba pang sektor ay bilang panawagan sa agarang aksyon ng gobyerno a patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas dulot ng kaguluhan sa gitnang silangan.

Pahayag ni Tuaño, patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga gasolinahan sa gitna ng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng taumbayan at mga retail shop. 

May dalawang insidente ng profiteering o ang pagmamalabis ng mga retails shop sa sitwasyon ng petrolyo ang naitatala ng PNP. 

Giit ng mariing kinokondena ng PNP ang pagsasamantala sa sitwasyon at hinihikayat ang publiko na tumawag sa 911 sakaling mayroong mga gasoline station ang lumalabag sa kautusan.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this