GOBYERNO NG PILIPINAS, NAGHAHANAP PA NG IBANG SOURCE NG LANGIS BUKOD SA MIDDLE EAST — PBBM

Manila, Philippines – Naghahanap na ang gobyerno ng Pilipinas ng alternatibong source ng langis bukod pa sa Middle East, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi tumitigil ang gobyerno sa paghahanap ng solusyon na mapababa ang presyo ng pagkain at lalo na ang langis. 

Aniya kahit na mayroon pa ring sapat na supply ng langis ang Pilipinas, patuloy ang kanilang paghahanap ng alternatibong mapagkukunan pa ng source ng produkto. 

Hiling niya sa publiko na hangga’t maaari huwag mangamba nang maiwasan ang hoarding. 

Giit niya na kaya pang agapan ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain. 

Katulad umano sa presyo ng fertilizer, tiniyak ni pangulong marcos na hindi matitigil ang kontrata ng Pilipinas sa mga supplier nito.

Pinaka-interest na pinapangalagaan ng administrasyon ang maipagpatuloy pa rin ang trabaho ng mga Pilipino sa gitna ng problema sa langis.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this