‘STATE OF NATIONAL ENERGY EMERGENCY’ IDINEKLARA; UPLIFT IPATUTUPAD SA BANSA– PBBM 

Manila, Philippines – Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ‘State of National Energy Emergency’ upang tiyakin na sapat ang suplay ng enerhiya at food security sa bansa.

Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng sigalot sa Middle East. 

Sa ilalim ng Executive Order No. 110, ilulunsad ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) upang tugunan ang mga isyu sa enehiya at mapanatili ang suplay sa pinakaapektadong sektor.

Upang matiyak naman ang maayos na implementasyon ng programa, binuo ng pamahalaan ang UPLIFT Committee na siyang pangunginahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. 

Kabilang sa mga magiging miyembro nito ay ang Executive Secretary at mga kalihim mula sa iba’t ibang dipartamento ng bansa.

Kabilang na rito ang:

Department of Energy (DOE)

Department of Transportation (DOTr)

Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Department of Agriculture (DA)

Department of Finance (DOF)

Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev)

Department of Budget and Management (DBM)

Sa kabila nito, itatalaga ang DEPDev upang magsilbig Secretariat ng komete na siyang magbibigay ng mga kinakailangan ng programa mula sa teknikal at administrative support.

Inatasan rin ng pamahalaan ang DOE na gumawa ng mga hakbang para tiyakin ang suply ng enerhiya sa bansa.

Maging ang mga Local Government Unit (LGU) ay hinikayat ng pangulo na magpatupad ng mga hakbang batay national policies upang matiyak ang sapat na suply. 

Layunin ng pamahalaan na patuloy na mabantayan ang sitwasyon ng bansa patuloy rin ang pagpapatupad ng mga kinakailangang hakbang upang mapanatili ang suply ng enerhiya at maprotektahan ang kapakanan ng bansa sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Share this