TIGIL-OPERASYON NG LRT, MRT AT PNR SA SEMANA SANTA, ILULUNSAD — DOTR

Manila, Philippines – Pansamantalang ipatutupad ang tigil-operasyon sa mga linya ng tren sa Manila Light Rail Transit System (LRT) at Manila Metro Rail Transit System (MRT) bilang bahagi ng kanilang taunang maintenance activities ngayong Semana Santa 2026.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mula April 2 hanggang April 5, ititigil ang operasyon ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3.

Inaasahang magbabalik ang kanilang normal na operasyon sa April 6.

Kasunod nito magkakaroon rin ng magkaparehong aktibiadad ang Philippine National Railways (PNR), kung saan ititigil ang kanilang serbisyo mula April 3 hanggang April 4, 2026. 

Muling manunumbalik ang operasyon nito sa April 5.

Pinapayuhan naman ng DOTr mga komyuter na planuhin nang maaga ang kanilang mga biyahe upang maiwasan ang abala at masiguro ang ligtas at komportableng paglalakbay ngayong Semana Santa 2026.

Share this