Manila, Philippines – Sa nakalipas na Holy Week, naitala ng Department of Health ang mahigit sa isang libong insidente ng bangaan sa kalsada, mula March 29 hanggang april 2.
Batay sa datos ng DOH, 1,091 na insidente ng road crash ang naireport sa 161 na ospital sa Pilipinas.
Mas mataas anila ito ng 150% sa naitalang kaso noong nakaraang taon na nasa 437 lamang.
Ngunit klinaro din ng tanggapan na maaaring ang pagtaas ng bilang ay dahil sa pagtaas ng bilang ng mga ospital kasama sa monitoring.
Ayon sa record ng DOH, karamihan sa mga tinamong pinsala sa bangaan ang gasgas, sugat, pasa, bali at avulsion.
Mula sa Central Luzon ang malaking bilang ng mga sangkot sa bangaan na may 196 na kaso, sumunod ang Davao region na may 161 at Ilocos region na may 159.