LTO, KINUMPIRMA ANG MGA SASAKYAN NI MADRIAGA NA NABILI UMANO GAMIT ANG PERA NG DUTERTE 

Manila, Philippines — Nakita sa talaan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga sasakyan na tinutukoy ni Ramil Madriaga na binili gamit ang pera ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngunit ipinangalan kay Madriaga at sa kanyang anak. 

Isiniwalat ni Madriaga, na binili ang mga sasakyan na ito para magamit sa operasyong may kaugnayan sa pagtakbo ni Vice pPresident Sara Duterte noong 2022 National elections. 

Ayon kay Bicol Saro Representative Terry Ridon, ang anim na sasakyan na kasama sa mga binanggit ni Madriaga sa kaniyang supplemental affidavit ay nakita sa LTO. 

Nakasaad sa affidavit ni Madriaga na binigyan siya ni dating Pangulong Duterte ng P25 million noong 2021 para bumili ng mamahaling motorcycles na gagamitin ni Sara Duterte habang nasa metro manila.

At mga ordinaryong motor na gagamitin ng grupo sa kampanya ng Inday Sara is my President (ISIP) Pilipinas. 

Noong 2021, bumili si Madriaga ng dalawang Harley Davidson na nagkakahalaga ng P4.5 million na nakapangalan sa kanyang anak. 

Dalawang Ducati na noong 2021 nakarehistro sa pangalan ni Madriaga. 

Para Isip Pilipinas, bumili si Madriaga ng pitong NMAX Motorcycles na binayaran in cash.

Habang ang natitirang perang P25 million ay ipinamahagi sa mga miyembro. 

Ayon pa kay Ridon, nakita rin sa LTO ang FJ land Cruiser ni Madriaga na ginamit para ideliver ang mga umano’y confidential funds sa tatlong lokasyon noong December 2022. 

Samantala, inaasahan na matatapos ang hearing ng Committee on Justice kaugnay sa impeachment complaint laban kay Sara Duterte sa April 29.

Pag-uusapan sa April 22 ang nilalaman ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Duterte. 

Share this