Manila, Philippines — Posibleng magpatupad muli ng rollback ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Kung matutuloy ang rollback, ito ang ikatlong linggo na tapyas-presyo sa mga produkto ng petrolyo.
Batay sa tatlong araw na trading ngayong linggo, sampung piso kada litro ang bawas sa presyo ng diesel, halos labing isang piso ang bawas sa presyo ng kerosene, at piso kada litro ang bawas sa gasolina.
Mayroong pang dalawang araw ng trading na maaaring makapagpababa sa posibleng rollback. Hindi pa kasama rito ang mga gastos sa risk premium.
May ibang pormula na ginagamit ang Department of Energy sa (DOE) at dahil sa estado ng national emergency on energy, inanunsyo na ng gobyerno na sila ang magtatakda ng halaga ng mga pagsasaayos sa presyo hangga’t umiiral ang nasabing emergency situation.
Sa kasalukuyang sitwasyon sa Gitnang Silangan, bagamat napahaba pa ang kasunduang ceasefire sa pagitan ng United states at Iran, nananatili pa rin nakasara ang Strait of Hormuz.
Maaaring magbunsod ito ng muling pagtaas ng presyo ng langis pandaigdigang merkado.
Nitong linggo, nasa mahigit P90 ang bentahan ang diesel sa ilang oil retail shop.—Krizza Lopez, Eurotv News