Manila, Philippines — Wala na sa kustodiya ng Czech Republic si Zaldy Co.
‘yan ang ibinalita ni Justice Secretary Frederick Vida mula sa Philippine Embassy of Prague.
Ayon kay Secretary Vida, agad kumilos ang gobyerno ng Pilipinas sa oras na natanggap ang impormasyong napawalan na si Co sa Czech Republic.
Mabilis din aniyang nakipag-ugnayan ahensya sa iba pang international authorities para matunton si Zaldy Co.
Sa ngayon, ayon sa impormasyon ng isang intel officer na nasa Schengen area pa rin si Zaldy Co.
Ngunit hindi matukoy ang eksakto nitong lokasyon dahil sa data privacy law ng Czech Republic.
Binigyang diin niya na mayroong sariling legal na proseso ang bawat bansa, at hindi maaaring nila maaaring hinilingin na kumilos ang otoridad na labag sa kanilang legal na proseso.
Ang tanging hakbang lamang ng Pilipinas sa puntong ito ay kumilos ng naaayon sa umiiral na batas ng Czech Republic.
Bunsod ng pangyayari na ito, inaasikaso na ng pamahalaan ng Pilipinas at pamunuan ng Czech Republic ang paglagda ng pormal na kasunduan o legal assistance treaty, dagdag pa rito ang Transfer of Sentenced Persons Agreement.
Matatandaan na naharang ng mga otoridad ng Czech Republic si Zaldy Co dahil sa tangkang pagpasok sa naturang bansa ng walang maayos na dokumentasyon.—Krizza Lopez, Eurotv News