Manila, Philippines — Patuloy ang pagpapatupad ng pamahalaan sa pagpapahusay ng drainage system sa kahabaan ng G. Araneta Avenue bilang bahagi ng nationwide “Oplan Kontra Baha” program.
Personal na ininspeksyon ni Ferdinand R. Marcos Jr. noong ang G. Araneta Drainage Improvement Project sa kahabaan ng E. Rodriguez Sr. Avenue sa Quezon City.
Layunin ng proyekto na mabawasan ang madalas na pagbaha sa G. Araneta Avenue, mula Kaliraya Street hanggang E. Rodriguez Sr. Avenue, sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawang 1.50-meter-diameter High-Density Polyethylene (HDPE) pipes bilang bahagi ng rehabilitasyon at upgrading ng kasalukuyang drainage system. Ang tubig mula sa drainage ay direktang dadaloy patungo sa San Juan River.
Sa isinagawang inspeksyon, nakatanggap ang Pangulo ng briefing hinggil sa magkakaugnay na hakbang ng mga ahensya ng gobyerno para alisin ang mga basura, ibalik ang maayos na daloy ng tubig, at tugunan ang pangunahing sanhi ng pagbaha sa lugar.
Ininspeksyon din ni Pangulong Marcos ang kasalukuyang pipe-laying operations at ang paggamit ng mobile pumping equipment na tumutulong upang mabawasan ang pagbaha habang nagpapatuloy ang proyekto.
Ayon sa pamahalaan, inaasahang makatutulong nang malaki ang proyekto sa pagpapabuti ng daloy ng tubig at pagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa problema sa baha sa nasabing lugar.