PAGASA: BINABANTAYANG LPA SA MALABAS NG PAR, GANAP NANG NAGING BAGYO AT POSIBLENG PUMASOK SA BANSA SA WEEKEND

Manila, Philippines — GANAP NANG NAGING ISANG TROPICAL DEPRESSION ANG BINABANTAYANG LOW-PRESSURE AREA (LPA) SA LABAS NG PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY (PAR) AT POSIBLENG PUMASOK SA BANSA SA WEEKEND AYON SA PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION (PAGASA).

Namataan ang sentro ng bagyo sa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 2,085 km East ng Eastern Visayas.

Taglay ng bagyo ang pinakamalakas na hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na 70 kilometro bawat oras.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h malapit sa sentro at pagbugsong hanggang 70 km/h. 

Kumikilos ito pa Westward sa bilis na 15 km/h, habang umaabot naman sa hanggang 280 kilometer mula sa sentro ang lawak ng malalakas na hangin nito.

Inaasahang kikilos ang sama ng panahon sa west-northwestward at posibleng pumasok sa PAR sa darating na Sabado ng gabi o Linggo ng umaga. 

Kapag ganap na itong nakapasok sa PAR, tatawagin ito sa kanyang local name na Bagyong “Francisco.”

Ayon sa PAGASA, maaari pa itong lumakas at maging isang tropical storm ngayong hapon o gabi. 

Habang mababa ang tsansa na mag-landfall ang bagyo ngunit maaaring palakasin nito ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Palawan, Visayas at Mindanao.

Gayunman, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga lugar na makararanas ng mga pag-ulan. 

Hindi rin inaasahang direktang makaaapekto ang tropical depression sa lagay ng panahon at karagatan sa bansa sa loob ng susunod na tatlong araw. 

Ngunit maaari nitong palakasin muli ang Southwest Monsoon o Habagat pagsapit ng Linggo, na maaaring magdulot ng pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at mga lokal na pamahalaan na patuloy na bantayan ang mga susunod na ulat at abiso hinggil sa paggalaw at paglakas ng tropical depression.—Grachella Corazon, Eurotv News

Share this