3 PATAY SA PAMAMARIL SA LOOB MISMO NG PAARALAN SA TACLOBAN CITY

Tacloban City, Philippines — Pasado alas nuebe ng umaga, binulabog ng mga putok ng baril ang mga klase sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Tatlong estudyante ang kumpirmadong nasawi mula sa pamamaril, habang pito naman ang sugatan.

Ang mga suspek sa likod ng pamamaril, natukoy bilang estudyante rin at mga menor de edad.

Ayon sa Tacloban City Police Office (TCPO), kapwa Grade 9 students ang suspek sa pamamaril, na naaresto rin kaagad ng mga kapulisan—ang isa estudyante sa parehong paaralan.

Kasunod ng insidente, ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malalim na imbestigasyon sa naging pamamaril.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng mga kapulisan ang mga naarestong suspek at tinutukoy na ng mga awtoridad kung paano sila nagkaroon ng access sa mga baril.

Nakabinbin pa ang kanilang referral sa Tacloban City Social Welfare and Development Office (CSWDO) bilang ang mga suspek ay mga menor de edad.

Mariin ding kinondena ng Department of Education ang naging insidente, kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

Nakikipagtulungan na rin ang DepEd sa DSWD para sa pagbibigay ng psychosocial support at ipa pang tulong at assistance para sa mga biktima, mga mag-aaral at school personnel.

Sa ngayon, mahigpit pa ring nakaalerto ang mga awtoridad sa lugar habang tinutukoy din kung may iba pang sangkot sa insidente.

Sa gitna ng imbestigasyon, nanawagan naman ang mga awtoridad ng kooperasyon at pag-iwas na magpakalat ng maling impormasyon sa nangyaring insidente.

#

Share this