BAGULIN, LA UNION LGU SINUSPINDE ANG F2F CLASSES DAHIL SA BANTA NG MATAAS NA KASO NG DENGUE

La Union, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ang Face-to-Face Classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Bagulin, La Union matapos maitala dito ang mataas na kaso ng Dengue.

Ito ay batay sa nilagdaan na Executive Order No. 42, Series of 2026 na nilagdaan ni Bagulin Mayort Virgilio Flor. Ang ordinansa ay magsisimula ngayong araw Hulyo 1 hanggang sa susunod na abiso para rito.

Ipinatutupad din sa kautusang ito ang paggamit ng modular learning at iba pang pamamaraan upang matiyak na tuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante sa kabila ng banta ng dengue.

Paghihikayat naman ng Pamahalaang Bayan ang bawat residente na maging alerto at makipagtulungan na masugpo ang Dengue Virus.

Batay sa rekord ng Municipal Health Office ng Bagulin , naitala ang 178 kaso ng Dengue sa Bayan mula noong Enero 15,2026 kung saan pinakamraming tala ay mula sa Barangay Tagudtud.

Share this