MGA BARIL,IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICES, NAREKOBER SA ORIENTAL MINDORO

Oriental Mindoro, Philippines — Natagpuan ng Philippine Army ang isang taguan ng mga baril at improvised explosive devices sa Bulalacao, Oriental Mindoro nitong Huwebes, Hulyo 9.

Batay sa impormasyong inilabas ng mga awtoridad, nakatanggap umano sila ng tip mula sa isang residente ng Barangay Benli hinggil sa lokasyon kung saan nakatago ang mga armas na itinago ng Communist Terrorist Group.

Batay sa ulat ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade, narekober ng mga awtoridad ang isang 5.56mm M16 rifle, isang homemade shotgun, isang anti-tank improvised explosive device, at isang anti-personnel improvised explosive device.

Ayon kay Brigadier General Melencio Ragudo, Commander ng 203rd Infantry (Bantay Kapayapaan) Brigade, ipinapakita umano ng pagkakatuklas na ito ang lumalakas na tiwala ng lokal na komunidad sa pwersa ng gobyerno at ang kanilang matatag na hangaring protektahan ang kanilang mga komunidad laban sa mga natitirang banta ng Communist Terrorist Group.

This accomplishment reflects the strong partnership among the Philippine Army, the Philippine National Police, local government units, and the people of Mindoro. The close coordination among these stakeholders continues to create an environment where communities are empowered to reject violence and actively contribute to lasting peace,” saad ni Brig. Gen. Ragudo.

Samantala, binigyang-diin ni Major General Ramon Zagala, Commander ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division, na ang bawat impormasyong ibinahagi ng mga residente ay may direktang ambag sa pagpigil sa karahasan at pagliligtas ng buhay.

This successful discovery highlights the value of public trust and cooperation in our peace and security efforts. Every firearm recovered and every explosive rendered safe eliminate threats in our communities. It is proof that when citizens and government work together, we can deny terrorist groups the means to sow fear and violence,” ani Major General Zagala.

Hinimok naman niya ang publiko na ipagpatuloy ang suporta sa mga security forces sa pamamagitan ng pag-uulat ng mga inabandonang baril, pampasabog, o kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar.

Muli namang pinagtibay ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division ang kanilang pangakong ipagpatuloy pa ang mas pinaigting na operasyong militar habang pinapalakas ang pakikipagtulungan sa mga  lokal na pamahalaan at mga komunidad. — Angel Aldo, Contributor

Share this