MANILA, Philippines—Matagumpay na naisagawa ang isang community outreach program ng Manila Manpower Development Center (MMDC) sa ilalim ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa Baltao, Sta. Mesa, Manila nitong Miyerkules (July 22, 2026).
Kasama ang MMDC trainees, layon ng programa na maghatid ng serbisyong pangkalusugan, wellness, at personal care para sa mga mamamayan ng Brgy. 600 sa Baltao, Sta. Mesa.
Kasabay nito, nabibigyan din ng training ground ang mga naturang trainees sa pagsasagawa ng pampublikong serbisyo.
Ilan sa mga serbisyong alok ng inisyatiba ang haircut services, libreng masahe, at blood pressure monitoring.
Mayroong kabuuan na bilang ng 112 na residente ng Brgy. 600 ang nakinabang sa mga isinagawang aktibidad ng institusyon.
Ayon sa MMDC, nirerepresenta ng ganitong klaseng aktibidad ang kanilang commitment sa pagsusulong ng kabutihang pampersonal at pangkalusugan.
Ang nasabing programa ay suportado nina Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso at MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente.—Jen Latuga, Contributor