QC LGU PATULOY NAGSASAGAWA NG CLEARING AT DECLOGGING OPERATION 

Quezon City, Philippines — Patuloy ang isinasagawang Declogging at Clearing Operations ng Pamahalaang lungsod ng Quezon bunsod ng magkakasuod na tag-ulan na nagresulta ng pagbaha na dala ng Habagat o Southwest Monsoon.

Itoy kasunod ng mga nakitang basura na nagkalat pa rin sa mga pangunahing kalsada.

Ayon sa QC Lgu, ang operasyon ay regular na ginagawa para maging maayos ang daloy ng tubig sa mga drainage system at malimitahan ang pagbabara ng mga basura. 

Kabilang sa mga lugar na iniikutan ng mga kawani ng lungsod ay ang mga sumusunod:

  1. Elliptical Road, Brgy. Central NS Amoranto cor Don Jose
  2. F. Castillo St., Brgy. Bagumbuhay
  3. Elliptical Road, Brgy. Central
  4. NS Amoranto cor Don Jose
  5. F. Castillo St., Brgy. Bagumbuhay
  6. Saint Mary St., Brgy. Payatas
  7. Commonwealth Heights
  8. Quail St. at Laurel, Brgy. Bagong Silangan
  9. Batasan Road, Brgy. Batasan Hills
  10. Payapa St., Brgy. Gulod
  11. Susano Road, Brgy. Novaliches Proper
  12. SAPAMANAI, Brgy. Fairview
  13. 61 Baesa Road, Brgy. Baesa
  14. Sauyo Road, Brgy. Sauyo
  15. Parkway Village at Cypress Village, Brgy. Apolonio Samson
  16. Banlat Road D. Muñoz, Brgy. Tandang Sora

Bahagi rin ng mga ipinatutupad na hakbang ng QC ang pagpapaalala sa publiko sa wastong pagtatapon ng basura.

Hinihikayat din ang mga QCitizen na maging ligtas sa banta ng pagbaha sa mga mabababang lugar malapit sa ilog.

Sa ngayon makakaranas ang lungsod ng Localized thunderstorm o panakanakang pag-ulan.

Una na ring nagkansela ng klase sa mga pampublikong paaraalan ang Quezon City.—Gab Ramos, Contributor

Share this