EX-DPWH SEC. BONOAN, NAKALAYA NA MULA SA DETENSYON

Manila, Philippines — Biyernes ng umaga, September 4, tuluyan nang nakalaya mula sa kustodiya ng pulisya si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.

Alinsunod ito sa resolusyon ng Sandiganbayan Fifth Division na inaaprubahan ang mosyon ng kampo ni Bonoan na makalaya mula sa detensyon at hospital arrest sa PNP Health Service General Hospital.

Matatandaan na inaresto si Bonoan para sa kasong graft at plunder dahil sa kanya umanong pagtanggap ng kickback mula sa flood control corruption scandal.

Bago ang release order, inaprubahan na rin ng Sandiganbayan Fifth Division ang bid ng prosekyusyon na alisin si Bonoan sa charge sheet bilang kapwa akusado ni Senador Jinggoy Estrada sa mga nasabing kaso.

Ang exclusion ni Bonoan sa mga kaso ay upang bigyang-daan ang kanyang pagiging state witness sa master flood control case, laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Nananatili naman ang graft case ni Bonoan sa Sandiganbayan Second division na nauna nang ibinasura ang apelang matanggal sya sa nasabing kaso.–Mia Layaguin, Eurotv News

Share this