Manila, Philippines — Patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng Leptospirosis sa Maynila.
Mula January hanggang September 10 umakyat na ang bilang nito sa 1,178 habang tinatayang 34 na ang nasawi.
Batay sa datos ng Pamahalaang Lungsod, ang barangay Baseco ang may pinakamaraming naitalang kaso ng dengue, sinundan ng Parola at Happyland.
Karaniwang nasa 10-34 years old ang may dengue habang sa mga kabataan naman edad 10-14 years old.
Kung hindi maagapan maaaring magresulta ng mas malalang komplikasyon o kidney failure, pulmonary hemorrhages, liver failure at multi-organ failure ang isang pasyente.
Tiniyak naman ni Manila Mayor City Isko Moreno na may available na Doxycycline ang 44 na health center ng lungsod.
Sabi ng Manila Health Department, nagbibigay sila ng libreng Doxycyxline Prophylaxis.
Dalawang tablet sa mga isang beses pa lamang na lumusong sa baha na agad iinumin ng mga pasyente on the spot.
Sa mga may sugat naman na na-expose rin sa baha, 6 na capsule ang ibibigay na iinumin 2 beses sa isang araw sa loob ng 3 araw.
Dalawang capsule naman kada linggo ang ibinibigay sa mga nagtatrabaho sa palengke, estero o mga nakababad sa tubig baha na itinuturing na may severe exposure.
Iinumin nila ito hanggang hindi pa rin humuhupa ang baha at patuloy silang lumulusong.
Paalala ng lungsod hindi lang sa baha na kontaminado ng ihi ng daga o ibang hayop na may bacteriA nakukuha ang leptospirosis.
Poisble rin ito sa loob ng bahay, maruming lugar at mga pagkain at inumin na nakontamina ng ihi ng daga.
Ang mga edad 8 pababa naman daw na lumusong sa baha binibigyan ng amoxilin asintromaysin pero dapat inireseta at ipinayo ng mga doktor.
Hindi naman inirerekomenda ang pag-inom ng Doxycycline sa mga buntis.
Matatandaan naman nitong linggo sinabi ng lungsod na itinuturing nilang epidemya ang leptospirosis.