SWS: BILANG NG MGA PAMILYANG NAGING BIKTIMA NG KRIMEN, BUMABA NOONG HUNYO 2026

Manila, Philippines — Bumaba sa 10% ang bilang mga pamilyang Pilipino na naging biktima ng mga krimen noong buwan ng Hunyo, ayon sa Social Weather Stations (SWS).

Batay sa pinakahuling quarterly national survey ng SWS na isinagawa noong June 20-29, 2.3% ang ibinaba ng mga naging biktima ng common crimes sa nakalipas na anim na buwan kumpara sa 12.3% noong March 2026.

Kabilang sa common crimes ang pickpocketing, pagnanakaw sa bahay, carnapping, at pisikal na karahasan.

Ayon sa survey, 9.1% ng mga pamilya ang nabiktima ng anuman sa tatlong common property crimes, gaya ng pickpocketing o street robbery, burglary o breakins, at carnapping sa ikalawang bahagi ng taon.

7.3% ang nabiktima ng street robbery; 1.4% ang biktima ng physical violence.

0.3% ang nanakawan ng sasakyan, habang 3.5% ang nabiktima ng pagnanakaw sa bahay. Ang mga krimeng ito, kapwa nakitaan ng pagbaba kumpara sa tala noong Marso.

ilKasabay nito, tumaas din ng 2.2% ang mga bilang ng mga pamilyang nabiktima ng cybercrimes—mula sa 5.8% noong March 2026, naging 8.0% noong June 2026.

Natukoy din sa survey na 62% ng mga pilipinong ang nangangamba sa posibilidad na pasukin at nakawan ang kanilang tahanan, at 59% ang nangamba na lumabas at maglakad sa mga kalsada tuwing gabi.

Lumabas din na 51% ang nakapansin ng gumagamit ng mga droga sa kanilang lugar, isang antas na hindi nagbago mula 50% noong March 2026.

Kasunod nito, nanindigan si Philipine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez na paiigtingin ang pag-iimbestiga at operasyon kontra sa mga krimen.—Sophia Francisco, Contributor

Share this