PANGILINAN, HINIKAYAT SI PBBM NA MAGDEKLARA NA NG ‘STATE OF CALAMITY’ DALA NG EPEKTO NG EL NIÑO

Manila, Philippines — Sa pagsalang ng Department of Agriculture (DA) sa budget deliberation sa senado, hinikayat ni budget sponsor Senator Kiko Pangilinan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara na ng state of national Emergency Calamity sa lalong madaling panahon. 

Ayon kay Pangilinan, mula nitong nobyembre ng kasalukuyang taon, mayroong pang 112 billion pesos na pondo para sa Calamity and Disaster fund.

Batay raw sa tugon ng Malacañang, hindi pa ngayon magdedeklara ang pamahalaan ng state of calamity subalit hindi pa ito ang angkop na panahon na isailalim ang bansa sa emergency situation dahil saepekto ng el nino. 

Sumang-ayon naman daw ang kalihim ng DA na si Secretary Franscisco Tiu Laurel Jr. sa pagdedeklara ng state of national Emergency Calamity. 

Nang sa gayon daw ay mapag-usapan ang kakulangan sa assistance fund para sa mga mangsasaka at mangingisda na maaapektuhan ng matinding tagtuyot.

Batay sa datos ng DA, tinatayang nasa 4.3 milyong magsasaka at mangingisda ang maaapektuhan ng El Niño.

5 Billion pesos na pondo, makatatanggap ng tig tatlong libong tulong pinansyal ang 1.67 million na magsasaka.

Habang ang natitirang pondo ay ikokoordina ng DA sa AICS ng DSWD, Tupad ng Dole, at yakap ng Philhealth na magsisilbing dadagdag na tulong para sa mga apektadong mangingisda.

Ayon sa monitoring ng Philippine Atmospeheric Geophysical and Astronomical Services administration (PAGASA), siyam na probinsya na sa Bicol Region, Visayas, at Soccsksargen ang nakararamdam na ng matinding dry spell ngayong nobyembre.

Babala ng weather bureau, bago matapos ang buwan ng Pebrero sa susunod na taon, halos buong bansa na ang makararanas ng matinding tagtuyot o El Niño.

Share this