CHINA, INAMING NAKIPAGKASUNDO SA AFP HINGGIL SA ‘NEW MODEL’ SA AYUNGIN SHOAL

Manila Philippines — Inamin ng embahada ng China sa Pilipinas na pumasok sila sa isang kasunduan sa miyembro ng militar na may kinalaman sa Ayungin Shoal.

Sa isang pahayag sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin, patuloy aniyang itinatanggi ng Pilipinas ang kasunduan sa pagitan ng China at ng Pilipinas pagdating sa South China Sea

“The Philippines’ persistent denial and breach of commitment—and blaming it all on China—shows exactly their guilty conscience and who is acting in bad faith, infringing the other side’s sovereignty and making provocations on Ren’ai Jiao,” ani Wang sa press conference.

Hinihikayat din ng China ang Pilipinas na sumunod sa mga kasunduang at sumunod sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

“We once again urge the Philippines to abide by the already reached agreements and understandings, observe the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea,” dagdag pa ni Wang.

Kahapon sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense, itinanggi ni dating Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP WESCOM) Chief Alberto Carlos na pumasok siya sa anumang kasunduan patungkol sa Ayungin Shoal.

Pero kinumpirma nitong may nakausap siyang Chinese Military Attache’s habang nagsasagawa aniya ng lehitimong operasyon ang WESCOM sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

RELATED: EX-WESCOM CHIEF, ITINANGGI SA ‘SECRET AGREEMENT’ NG CHINA SA AYUNGIN SHOAL

RELATED: DFA ‘NOT AWARE ‘OF THE ‘NEW MODEL’ IN AYUNGIN SHOAL

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung sangkot nga ba sa wiretapping operations ang embahada ng China.

Nakahanda umano ang DFA na magpataw ng nararapat na aksyon sa dimplomat ng China kagaya ng ipinanawagan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na ideklarang Persona Non Grata ang Chinese envoy sa bansa, kasunod nang hindi nito pagdalo sa pagpapatawag ng Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this