GIN KINGS, NAKABAWI LABAN SA MERALCO BOLTS

Manila Philippines — Matagumpay na nabawi ng Barangay Ginebra ang kanilang 15-point deficit kontra Meralco sa PBA Philippine Cup semifinals kahapon na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Sa unang kwarter ng laro ay nakakuha ang Gin Kings ng 4-point lead kontra Bolts. Habang sa 3rd quarter naman ay nanguna ang bolts sa score na 59-44 sa 7 minute mark ng 3rd quarter.

Dahil sa 10-0 run na ginawa ng Barangay Ginebra ay lumiit ang lamang na meron ang Meralco Bolts.

Sa huling parte ng 3rd quarter ay mas lumiit ang lamang ng bolts sa score na 69-67.

Sa 4th quarter naman ay mas naging mainit ang laban. Sa score na 79-73 na pinangunghan ng Meralco ay hinabol ito ng Barangay Ginebra matapos ang kanilang 9-0 run. Anim puntos dito ay mula sa Center / power forward ng koponan na si Christian Standhardinger.

Muling tumabla ang laro sa 82 points habang 4:24 ang natitira oras ng laro, ngunit isang floater ni Japeth Aguilar at Scottie Thompson triple ang ibinigay ng Barangay Ginebra at na kontrol sa laro hanggang sa huling buzzer.

Nagtapos si Standhardinger na may 34 puntos, 10 rebounds, at limang assist, habang may 13 puntos si Maverick Ahanmisi para sa Ginebra.

Si Chris Banchero ay may 18 puntos, anim na assist, at tatlong board, habang si Chris Newsome ay may 17 puntos para sa Bolts.

Muling magtatapat ang Gin Kings at Bolts sa Miyerkules, May 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this