TAGUIG, PARAÑAQUE LGU, NAGSAGAWA NG CLEAN-UP DRIVE SA BICUTAN

Bicutan City Philippines – Nagsagawa ng malawakang road-clearing operation ang lokal na pamahalaan ng Taguig at Parañaque City kasmaa ang Southern Police District para tiyakin ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga commuter at motorista.

Target ng road-clearing operations ang mga pangunahing lugar, kabilang ang PNR Site, Bicutan Public Market, General Santos Avenue, at Bicutan Rotonda.

Ang layunin ng operasyon ay alisin ang mga pagala galang vendor at iligal na mga konstruksyon, tiyakin ang maluwag na daloy ng trapiko, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Nagsimula ang operasyon sa taguig simula May 14 hanggang 16 at May 22 hanggang 24, kung saan ang mga tauhan ng pulisya ay nakatalaga upang pamahalaan ang trapiko at palakasin ang mga hakbang sa seguridad.

Ang mga pagsisikap ng Taguig City, Parañaque City, at ng pulisya ay nagpapakita ng isang proactive na diskarte tungo sa paglaban sa kaligtasan ng publiko at pangalagaan ang kapakanan ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this