MJ VELOSO INILIPAT SA JAKARTA BAGO ANG PAGBABALIK PINAS

Jakarta, Indonesia – Inilipat na si Mary Jane Veloso sa Jakarta bilang paghahanda sa kanyang inaasahang pagbabalik sa Pilipinas ngayong linggo.

Ang paglipat ay naganap matapos magkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at Indonesia na siya ay ma-repatriate.

Mula sa isang women’s prison sa Yogyakarta, sa isla ng Java, inalis na si Veloso nitong Linggo (Disyembre 15, 2024) ng gabi at dinala sa Jakarta Women’s Penitentiary.

Ayon sa mga opisyal ng gobyerno ng Indonesia, maaaring maganap ang kanyang repatriation sa Miyerkules.

Samantala, kinansela naman ang sanang pagbisita ng pamilya ni Veloso sa Indonesia sa kaparehong araw, ayon sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA) – Office of the Undersecretary for Migration Affairs.

Patuloy naman ang online petition ng ilang progresibong grupo para sa clemency ni Veloso.

Share this