Manila, Philippines – Mas mababang kaso ng Influenza-like Illness o mala-trangkasong sakit ang naitala ng Department of Health (DOH) noong 2024.
Bunga ito ng patuloy pagsunod ng publiko sa tamang respiratory etiquette at ibang panuntunan ng kagawaran na may kinalaman sa kalusugan.
Batay sa datos ng DOH, may kabuuan lamang na 179,227 ang kanilang naitala noong 2024 hanggang December, hindi hamak daw yan na mas mababa ng 17% kumpara noong 2023 na may 216,786 na kaso ng Influenza-like Illness (ILI).
Ang ILI o mala-trangkasong sakit ay kadalasan daw na nagsisimula sa ubo, sipon at lagnat na mula raw sa respiratory virus gaya ng Rhinovirus, Enterovirus, Influenza A, Respiratory Syncytial Virus, at Adenovirus.
Sinabi rin ng DOH na isa sa causative agent ng ILI sa Pilipinas noong 2024 ang Human Metapneumovirus (HMPV) na hindi na rin daw bagong sakit na una ng unang nadiskubre 2021 pa.
Karaniwan din daw sa mga may HMPV ay nakakaranas ng ilang sintomas gaya ng ubo, lagnat, pagkabara ng ilong, at halak.
Sakaling lumala raw ito maaaring magdulot ng bronchitis at pneumonia lalo na sa mga sanggol, matatanda at may immunocompromised.
Gayunpaman, ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, wala raw dapat ipangamba dahil gumagaling daw ito ng kusa basta malakas ang resistensya.
Hinihikayat naman ng kagawaran ang publiko na mabuting palakasin ang immune system, dalasan ang paghuhugas ng kamay, uminom ng maraming tubig at magsuot ng facemask upang hindi makahawa.
Pinayuhan din ang mga nakararanas ng ILI at HMPV na ugaliin ang respiratory etiquette, gaya ng pagtatakip gamit ang siko kung inuubo at manataili sa loob ng tahanan.
Nakikita naman na raw ng DOH ang posibleng pagdami ng mga magkakasakit lalo na ngayong panahon ng amihan kung saan nakararanas ng malamig na hangin.